Inilarawan bilang ‘maganda’ ni Senador Robin Padilla ang naging palitan ng mungkahi at naratibo nina Senador Alan Cayetano at Senadora Nancy Binay sa naging pagdinig ng Senate Committee on Accounts.
Anya, ipinapakita lang kase ng maingay na Kongreso, Senado at Kamara na walang kuntsabahang nangyayari sa pagitan ng mga mambabatas.
Ngunit sa kabila nito, nilinaw niya na ang hindi lang naging maganda rito ay ang pagpepersonalan ng dalawang senador.
Kung saan muling naungkat sa naging bangayan nina Cayetano at Binay ang tungkol sa Makati-Taguig issue noon.
Alinsunod nito, umaasa ang senador na maiwasan na ang mga ganitong pangyayari sa mga susunod na pagkakataon.
Samantala, hindi naman umano nakikita bilang late ni Padilla ang naging pagsuspend niya dahil makadalawang beses naman umano siyang nagtanong sa kanyang mga abugado at sa ikatlong hudyat pa lang siya binigyan ng ‘go signal’ ng mga ito.