Mananagot ang dapat managot!
Ito ang naging pagtitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian matapos tuluyang mahuli ang nasibak na si Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo sa Indonesia.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gatchalian na ngayong nahuli na ang dating alkalde, dapat na itong managot sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Ilan nga rito ay ang human trafficking, money laundering, quo warranto, paglabag sa utos ng Senado at iba pa.
Ayon sa mambabatas, pagkatapos ma-process si Guo ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI), dapat na itong madala sa Senado.
Aniya, Senado lang ang may outstanding arrest order laban sa kanya.
Dapat na rin umanong aminin ang alkalde kung sino-sino pa ang mga kasama nito sa criminal activities.