DSWD, nakamapahagi na ng higit 130K family food packs para sa mga apektado ng Bagyong Enteng

Nakapamahagi na ang DSWD ng 133,190 family food packs (FFP’s) para sa mga apektadong pamilya at indibidwal ng bagyong Enteng.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DSWD Asec. Irene Dumalo, sinabi nitong naipamahagi ito sa mga rehiyon ng National Capital Region (NCR), Cagayan Central Luzon, CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Muli rin niyang tiniyak na mayroon pang mahigit P2.6B “worth of standby funds and stockpile” na ginagamit sa Disaster Response Operation.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Bago ito, una nang pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng assistance sa mga evacuee na nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa Antipolo City, Cainta, at San Pedro, Laguna.