Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Pasay City Police na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa di umano’y threat o banta sa kanyang buhay.
Ito ay matapos mag-circulate online ang isang video na nagsasabing may direktang threat sa buhay niya at maging kay Senadora Risa Hontiveros na kapwang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Sa nasabing video, sinasabing nasa tiglimang milyong piso ang patong sa ulo ng dalawa na di umano’y binayaran na ni Alice Guo sa kanyang mga tauhan upang tahimikin ang mga ito.
Alinsunod nito, hiniling din ng senador sa pulisya na tiyakin ang kanyang kaligtasan at maging ang mga taong konektado sa kanya.