Nag-resign na rin ang ilan pang opisyal ng Department of Education (DepEd), ilang araw bago ang turnover ceremony ni outgoing DepEd Secretary at VP Sara Duterte kay incoming DepEd Secretary Senador Sonny Angara.
Kabilang sa mga opisyal na nagbitiw sa puwesto ay sina Usec. and Chief of Staff Michael Poa, Usec. for Administration Nolasco Mempin, Asec. – Office of teh Secretary Sunshiine Fajarda, Asec. for Procurement Reynold Munsayac, at Asec. for Administration Noel Baluyan.
Kinumpirma na rin ni Senador Angara ang pag-alis ni Poa – na siyang tumayo rin bilang tagapagsalita ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Samantala, binigyang-diin naman ni Poa na palagay niya ay nararapat lamang para sa bagong kalihim na maging malaya sa pagpili ng mga taong magiging bahagi ng kanyang team.