Buwis sa online sellers – tuloy na

Epektibo na ang pagpapatupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng withholding tax requirement para sa mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa mga marketplaces online gaya ng Lazada at Shopee.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., wala nang ibibigay pang extension sa mga online merchant na sumunod sa bagong sistema ng naturang buwis.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Nai-extend na rin aniya kasi nila ito noon.

Paliwanag ni Lumagui, simula July 15, 2024, ipatutupad na ng mga Electronic Marketplace Operators ang Withholding Tax sa mga sellers at merchant.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nakasaad sa Revenue Regulations (RR) No. 16-2023 na ang kalahati ng gross remittances ng e-marketplace operations at digital financial services providers sa mga sellers o merchants para sa goods o services na ibinayad sa kanilang platfrom ay magiging subject sa 1% creditable withholding tax.