Sapat na suporta para sa PCG upang depensahan ang WPS, tiniyak ng House leaders sa budget deliberations

Siniguro ng mga leader sa Kamara na mapopondohan at masusuportahan ang pagtatanggol sa mga teritoryo at exclusive economic zone ng bansa pati na ang Philippine Coast Guard sa panukalang pambansang budget sa susunod na taon.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at Majority Leader Mannix Dalipe na ang pagtalakay sa 2025 National Expenditure Program ay sasalamin sa mga adhikain ni Pangulong Bongbong Marcos sa ikatlong State of the Nation Address.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Magsisilbi anilang gabay ang SONA kung saan binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagtatanggol sa pambansang teritoryo at integridad.

Iginiit ni Dalipe na mayorya ng mga kongresista ay buo ang suporta sa pangulo sa pagnanais nitong mabigyan ng mas malaking budget ang PCG at lahat ng mga ahensyang poprotekta lalo na sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Dagdag pa ni Gonzales, mangyayari ito lalo’t dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang ikasa ang public consultation sa Masinloc, Zambales.

Dito ay tiniyak na itataas ang budget ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR matapos mabatid na masyadong maliliit ang bangkang ginagamit ng mga mangingisda.