Suppliers at contractors ng Schools Division Office obligado nang mag-display ng information board sa kada event at project

Obligado nang mag- display ng information board o tarpaulin ang lahat ng suppliers at contractors ng Schools Division Office sa kada venue o construction site para sa mga proyektong nai- award sa kanila.

Sa inilabas na Division Memorandum No. 117 s. 2024 ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla, inoobliga ang lahat ng suppliers at contrators na ilagay ang mga detalye tulad ng pangalan ng aktibidad, caterer, menu sa kada araw ng aktibidad, duration at contact details para sa goods and services.

Read More:  PRO-8 files multiple charges against teen suspect in Tacloban School shooting

Kailangan namang nakalagay ang pangalan ng contractor, duration ng project, ABC at contact details ng contractor para sa infrastructure.

Read More:  Newly graduated man shot outside Pantukan school in Davao de Oro

Inaatasan din ang mga school head kung nasaan ang project na ipaalam ito sa pamamagitan ng legal office sa loob ng 24 oras mula nang mai- post ang information board.