Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pagsusumite ng imbentaryo ng “unused” official receipt ngayong araw, July 31, 2024, alinsunod sa Revenue Memorandum Circular 66- 2024.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Revenue District Officer Reymarie Dela Cruz na pwede umano itong personal na i- submit sa opisina ng BIR sa bayan ng Talisay o pwede ring online.
Ani Dela Cruz mayroong template para dito ang BIR na pwedeng mahanap sa kanilang website. Sa sandaling makapagsumite ng imbentaryo ng “unused official receipt” ngayong araw ay pwede na itong gamitin hanggang maubos at kailangan lang i- strikethrough ang salitang Official receipt at palitan ng Invoice depende sa negosyo at industry.
