Pumalag si San Juan City Mayor Francis Zamora matapos punahin ni Sen. Jinggoy Estrada ang isang city ordinance na nagpapatupad ng multra sa mga tao at grupong mamamahagi ng relief goods nang walang clearance mula sa mayor’s office.
Sinabi ni Estrada na ang naturang ordinansa ay “ridiculous, unreasonable, nonsensical, preposterous, whimsical’ at ‘capricious.’
Aniya, ang mga taong nais mamigay ng donasyon ay hindi na dapat pang humingi ng clearance.
Giit pa nito, sa panahon ng sajkunam lahat ng klaseng tulong ay mahalaga.
Samantala, sinagot naman ito ni Zamora, ay sinabing ang ipinatutupad niyang ordinansa ay para lang makapagpanatili ng kaayusan sa distribusyon ng donasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga ipinamamahaging goods.
Kung hindi umano kasi makikipag-ugnayan ang mga ito sa lokal na pamahalaan, paano raw nila malalaman na ang nais i-distribute na mga pagkain at kagamitan ay ligtas.
Hindi rin aniya na pupwedeng dahil gustong tumulong, basta na lang pupunta sa mga residente kahit anong oras.
Hiling ng alkalde, sana ay respetuhin ang panuntunan ng lokal na pamahalaan.