Patay ang dalawang hindi pa nakikilang babae matapos sumalpok sa gutter sa kahabaan ng Lacson Avenue sa kanto ng G. Tuazon sa Sampaloc, Manila habang sakay ng motorsiklo.
Ayon sa pahayag ng sakay ng nasaging motorsiklo, mabilis ang pagpapatakbo ng mga biktima habang binabaybay ang kahabaan ng Nagtahan Bridge.
Batay naman sa imbestigasyon ng Manila Police District, pababa ng Nagtahan Brigde ang mga biktiman nang mawalan ng kontrol at tumama sa center island.
Dahil dito, tumilapon ang naturang mga biktima 15 metro mula sa kanilang pinanggalingan.
Naniniwala naman ang pulisya na nasa legal age na ang dalawang babae at galing ito sa trabaho.
Sa ngayon, nasa punerarya na ang mga labi ng dalawang babae at patuloy naman ang pulisya sa pag-iimbestiga sa nangyaring insidente.