Rido sa Maguindanao del Sur, inayos ng PSRO

Natuldukan na sa pamamagitan ng Peace, Security and Reconciliation Office (PSRO) ang naganap na kaguluhan sa bayan ng Mamasapano MDS.


Pinauwi na rin ang mga civilian sa Barangay Dasikil, Mamasapano at Barangay Bakat Shariff Saydona Mustapha Maguindanao del Sur na naapektuhan ng kaguluhan ng dalawang armadong grupo sa lugar.

Read More:  Teen mom killed by ex in Cebu after breakup


Ayon sa PSRO, nagpaabot din ng tulong ang Office of the Chief Minister’s sa pamamagitan ng Project TABANG ng mga sako-sakong bigas sa apektadong pamilya.


Naging maayos ang pag-uusap ng magkalabang grupo sa pamamagitan ng PSRO kasama ang Militar, MILF at mga elders sa lugar

Read More:  Dump truck rams house in Agusan del Sur, kills 2


Matatandaan na noong ika-10 ng Hunyo ay ginanap ang peace dialogue sa pagitan ng grupo nila Zainudin Kiaro, Guaihod Hassim, Ben Tikao ng 105th BC at grupo nila Dagadas Alim at Badrudin Inda ng 118th BC sa Barangay Pimbalakan, Mamasapano Maguindanao Del Sur.