Kapitan ng Barangay, pinagbabaril patay

DEAD on the spot ang isang Kapitan ng Barangay matapos pagbabarilin ng di pa tukoy na mga suspek pasado alas onse ng umaga kahapon sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao del Sur.

Kinilala ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office ang biktima na si Mama Rento Buat, nasa tamang edad at incumbent barangay chairman ng Pagatin sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na ulat, galing umano si Kapitan Buat sa munisipyo at nang makarating na ito sa compound ng kanyang bahay ay dito na sya pinaulanan ng sunod-sunod na putok ng baril.

Matapos na maisagawa ang krimen ay agad na tumakas ang salarin sa di natukoy na direksyon habang ang biktima ay iniwang nakabulagta at naliligo na sa kanyang sariling dugo.

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing pamamaril at inaalam kung ano ang motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *