Tractor at rooter accessories itinurnover ni MP Romeo Sema sa isang MNLF Community sa bayan ng Kabacan

PORMAL na isinalin ni Bangsamoro Member of the Parliament Datu Romeo Sema ang pangangalaga ng isang Kubota tractor at rooter accessories sa isang Moro National Liberation Front community sa Barangay Kayaga ng bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Naisagawa ang programa kahapon na dinaluhan mismo ni Kabacan Vice Mayor Herlo Guzman Jr.,at ilang mga local officials ng bayan.

Sinabi ni MP Sema na ang nasabing makinarya ay magagamit ng nasabing mga MNLF community sa kanilang pagsasaka at hinikayat nito na gamitin ito ng maayos upang tumagal at mapakinabangan pa sa susunod na mga panahon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Barangay Kayaga Chairman Abdulazis Macalipat sa opisina ni Sema gayundin sa BARMM Government dahil isa sa mga napili ang kanyang bayan sa makakatanggap ng nasabing farm equipment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *