Putin, pinakansela ang plano na sulungin ang Mariupol steel plant

Ipinag-utos ni President Vladimir Putin sa Russian military na kanselahin ang plano na sugurin ang Azovstal plant sa Ukrainian port city ng Mariupol.

Sa halip, nais nitong ipagpatuloy na maging hermetically blockaded at tiyaking walang ibang makakapasok.

Nabatid na mayroon pang mahigit 2,000 Ukrainian fighters ang nagtatago sa loob ng planta, na mayroong malaking underground component.

Ayon kay Putin, ang kanyang desisyon na huwag nang sugurin ang Azovstal plant ay dahil sa pagnanais niyang iligtas at protektahan ang buhay ng mga Russian soldiers. //MHEL PACIA-TRINIDAD