UAAP: Adamson, lalo pang napalakas ang Final 4 sa 66-58 victory vs UP

Lalo pang lumakas ang Final 4 chances ng Adamson University sa UAAP Season 84, matapos ang hard-earned 66-58 victory laban sa University of the Philippines (UP).

Sa ngayon, nasa 4-6 na sila sa tournament, dahilan para sa three-way tie para sa fourth place kasama ng Far Eastern University at National University.

Kaugnay nito, nagpakita ng isa na namang solidong performance si veteran point guard Jerom Lastimosa na nakaiskor ng walo sa kanyang 13 points sa fourth quarter, kabilang na ang dagger three-pointer sa natitirang 24 seconds.

Maliban dito, mayroon rin siyang limang rebounds, four assists, two blocks at steal sa 22 minuto.

Nag-ambag naman si Didat Hanapi ng 12 points, at si Joem Sabandal ay umiskor ng 11 markers. //MHEL PACIA-TRINIDAD