Pinuri ni President Vladimir Putin ang “liberation” ng Russia sa Mariupol, matapos na sabihin sa kanya ni Defence Minister Sergei Shoigu na kontrolado na ng Moscow ang Ukrainian port city, maliban sa giant Azovstal steel plant.
Ang pagkakakuha sa buong kontrol ng Mariupol sa Azov Sea, ay isang major strategic victory para sa Russia, dahil makakatulong ito na ma-connect ang annexed Crimea sa mga teritoryo ng pro-Russian separatists sa eastern Ukraine.

Ayon kay Shoigu, mayroon pang nasa 2,000 Ukrainian soldiers na nananatili sa loob ng planta kung saan tumutuloy ang last pocket ng Ukrainian resistance, gamit ang network ng pasilidad na underground tunnels.
Sa gitna nito, patuloy ang panawagan ni Putin sa natitirang Ukrainian fighters sa Azovstal na sumuko na.
Pagtitiyak ng presidente, ita-trato umano sila ng Russia ng may pag-galang at bibigyan ng medical assistance ang mga sugatang sundalo. //MHEL PACIA-TRINIDAD