PTFoMS, umapela sa MANIBELA na manatiling kalmado

Iginiit ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na tila may nadagdag na kasinungalingan ang grupong MANIBELA hinggil sa insidente ng panununtok umano ng kanilang miyebro sa reporter na si Val Gonzales.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PTFoMS Usec. Paul Gutierrez, sinabi nitong hindi naman ugali ng mga mamamahayag ang magmura – bagay na unang sinabi ng MANIBELA hinggil sa ginawa ni Gonzales.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Batid umano ng PTFoMS na may nais ipaglaban ang transport group.

Gayunpaman, sana naman daw ay huwag masyadong maging emosyonal, at huwag awayin ang media.