DOJ – naglabas ng retrato para patunayang na-‘re-arrest’ si dating rep. Teves

Ibinahagi ng Department of Justice (DOJ) ang mga bagong larawan kung saan ay pinoposasan si dating representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves.

Ito umano ay bilang patunay na talagang na-‘re-arrest’ ang dating mambabatas, matapos ilabas naman ng kampo ni Teves ang retarato ng kaniyang paglaya kahapon.

Sabi ni Justice spokesperson Asec. Mico Clavano, ang ‘release’, ‘o ‘yung pagpapalaya kay Teves kahapon ay bahagi lang daw ng normal na proseso sa Timor Leste.

Haharap pa rin daw sa trial si Teves para sa proseso ng kaniyang extradition.

Bago ito, idiniin ng abugado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi ‘prisoner’ na maituturing ang kaniyang kliyente.

Aniya, totoong nakalaya ang dating mambabatas.

Pero sa ngayon – balik daw ito sa kustodiya ng Korte, ‘o kung tawagin ay ‘yung ‘Custodia Legis’, ‘o in custody of the law.

Ibig-sabihin daw nito, magdedesisyon pa ang Korte ng Timor Leste at hindi ituturing na bilanggo si Teves.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *