Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na hindi lamang nagsilbing pinto ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa mga kriminal na sindikato pero maging na rin sa mga taong gustong i-destabilize ang gobyerno.
Alinsunod ito sa Chinese military uniform na natuklasan sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Ani Gatchalian, maituturing na malinaw na ebidensya ito na may dala talagang national security threat ang POGO sa bansa.
Maliban pa roon, ipinunto rin ni Senadora Grace Poe na gumagastos ang bansa ng mahigit milyong piso para sa tirahan, pagkain at pangangailangan ng mga nahuhuling ipapa-deport na Chinese nationals.
Dahil dito muli niyang ipinanawagan ang pag-ban o pagbabawal sa POGO sa bansa upang mailaan pa ang pondo sa iba pang bagay at pangangailangan ng bansa.