Nakatakdang magpatawag ng ‘special meeting’ si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw upang pag-usapan nagpapatuloy na crisis sa Russia at Ukraine.

Kabilang sa mga kasama sa pulong ay mga opisyal ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at ilang myimebro ng gabinete.
Nais umano ng Pangulo na marinig ang iba’t-ibang pananaw kaugnay sa naturang isyu upang maayos na makagawa ng hakbang sa mga posibleng epekto nito sa Pilipinas.
Samantala ipinaliwanag naman ni Pangulong Duterte ang pagbabor nito sa United Nations General Assembly (UNGA) na nagko-kondena sa ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Nais lamang umano ng Pilipinas ayon sa Pangulo ay magkaroon ng deescalation o pakalmahin ang dalawang panig at matigil na ang sagupaan sa pagitan ng dating magka-alyadong bansa.