NAGA CITY – Pagpasalamat naman ang binitiwang salita ni KBP-Chairman Ronron Enon sa naging kasama nila at katulong sa pagbibigay ng ayuda kahapon sa ilang pamilyang nasunugan sa Barangay Sabang,l ungsod ng Naga kabilang na rito ang negosyanteng si Don Robert Obiedo.
Nabanggit ni Enon na malaking bagay ang suporta na ibinibigay ng private sector at iba pang stakeholders sa ganitong ginagawang aktibidad at programa ng KBP-Camarines Sur dahil sa hindi lang material na bagay ang naidudulot ng mga ito kundi pag-asa sa mga pamilyang nakakaranas ng kalungkutan dahil sa nangyaring sunog.
Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang isa lamang ito sa magiging aktibidad ng mga taga media ngayong Marso dahil sa susunod na mga araw, gagawin ang taunang Lenten Recollection na lalahukan ng mga media practitioners sa Naga City at Camarines Sur.