9 na mangingisda, huli dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na compressor

Huli ang siyam (9) na mangingisda nang maaktuhan na gumagamit ng ipinagbabawal na compressor sa karagatan ng Green Island sa Roxas, Palawan bandang alas-singko ng hapon kahapon, Ika-7 ng Marso.

Ang mga naaresto ay sina ;

1. Gilbert Cabarles Tupas, 30 – anyos
2. Daniel Pascua Bartolay, 25 ,
3. Joebert Cabarles Tupas, 31,
4. Richie Ecot Vargas, 36,
5. Richard Aparri Sotomayor, 46,
6. Romy Tupas Canali, 44,
7. Evino Amorin Guines, 42,
8. John Mark Nacasi Quejano, 24, at;
9. Alex Lionino Baruelo, 48 anyos.

Sila ay parehong mga residente ng Puerto Princesa City.

Kumpiskado mula sa kanila ang 1 unit ng compressor, spear fishing gun at iba pang mga gamit.

Samantala, ang mga ito ay lumabag sa Municipal Ordinance No.763,series of 2020,section 104 ( Prohibiting Fishing with the use of compressor) at nahuli sa Seaborne Patrol ng Roxas PNP at Bantay Dagat.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion