Mga obra para sa mga kababaihan ngayong Women’s Month, tampok sa isang exhibit sa Naga City

NAGA CITY- Tampok sa isang exhibit sa Naga City ang mga obrang para sa mga kababaihan na sila rin mismo ang may gawa.

Isa sa mga exhibitor si Shanelle Escuro, Gender Development Secretariat ng Camarines Sur Polytechnic Colleges sa Nabua Camarines Sur at miyembro ng dalawang art group. Kuwento ni Shan sa BNFM Naga, bilang babae, malaki ang naging papel ng pagpipinta sa kanya lalo na sa mga panahon na nakararanas siya ng mental health problems. Pagpipinta ang naging daan niya para mailabas ang mga emosyon na kanyang nararamdaman.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Dagdag pa ni Shan,  sumisimbolo ng katapangan ng kababaihan ang pagkakaroon ng maayos na pagkontrol sa mga emosyon, mga dapat at hindi dapat na maging reaksyon sa mga bagay-bagay. Mensahe naman ni Shan sa mga local artist lalo na sa mga kababaihan, walang kasarian ang pagpipinta basta’t masaya ka sa iyong ginagawa at wala kang inaapakang tao.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story