Simulan na po natin higpitan ang ating mga sinturon, dahil… nakatakdang magpatupad ang producers ng taas presyo sa ilang primary goods, simula bukas.
Kaugnay nito, ang presyo ng sardinas ay inasahang tataas ng P0.30 hanggang P1.25, condensed milk sa P2.25 hanggang P3.75, at evaporated milk sa P1.75 hanggang P2.25.
Una nang naitala ang price increases sa Pinoy tasty, na ngayon ay nasa P38.50, mataas ng P3.50 mula sa P35 noong August 2021, at sa Pinoy pandesal, na tumaas ng dalawang piso.

Maliban dito, ang mga nagbebenta ng food items gaya ng karne at isda ay nagpatupad narin ng price hike, kung saan ang mga middle man ang sinisisi sa sunod-sunod na increases sa presyo naman ng petroleum goods. //MHEL PACIA-TRINIDAD