Guanzon, nagtakda ng ultimatum sa ponente ng reso re: DQ case vs Marcos

Nagtakda si Election Commissioner Rowena Guanzon ng ultimatum para sa kapwa commissioner na si Aimee Ferolino, hanggang mamayang tanggali para ilabas ang resolusyon ng First Division, sa petisyong nagdidiskwalipika kay Ferdinand Marcos Jr. mula sa pagtakbo sa May 9 presidential polls.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Una nang ibinunyag ni Guanzon, ang presiding commissioner ng division na bomoto siya pabor sa pagdiskwalipika kay Marcos.

Maliban dito, isiniwalat rin nito na ang “political interference” ang nagpapaantala sa pagpapalabas sa resolusyon, na si Ferolino ang magsusulat.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Giit ni Guanzon, napatunayan na si Marcos Jr. ay hindi nagbayad ng mga buwi sa loob ng apat na buwan, noong ito ay vice governor at governor ng Ilocos Norte.

Ang naturang krimen ay moral turpitude, at hinatulan ng regional trial court ng pagkakakulong at pinagbabayad ng multa. //MHEL PACIA-TRINIDAD