Nakikita ng OCTA Research ng Group na posibleng bumaba na ang classification ng National Capital Region sa “low risk” para sa COVID-19, sa susunod na dalawang linggo, kung mapapanatili ang pagbaba ng daily infections.
Ang pahayag ni OCTA fellow Guido David, ay matapos ibalik ng gobyerno ang Metro Manila, sa ilalim ng mas relaxed na Alert Level 2, epektibo ngayong araw hanggang Feb. 15, sa kabila ng nagpapatuloy na surge ng infections sa ibang lugar.
Sinabi ng OCTA na may uptick ng bagong infection sa Metro Manila, na talagang nakakasurpresa at hindi suportado ng ibang indikasyon.

Samantala, sinabi naman ni David na ang COVID-19 reproduction number sa capital region ay bumaba sa 0.47 mula sa 0.50.
Kaugnay nito, bumaba rin ang positivity rate ng 1% sa 20%, bagama’t mataas parin umano ito. //MHEL PACIA-TRINIDAD