Presensiya sa Bajo de Masinloc, pinaigting

Aabot sa 150 mga mangingisda mula sa coastal communities sa Subic, Santa Cruz at Masinloc, Zambales ang nagtipon-tipon para sa isang Fisherfolks Congress na inorganisa ng National Security Council.

Ayon kay NSC Adviser Eduardo Año, layon ng pulong na bigyan ng kaalaman mga mangingisda tungkol sa ligtas na pangingisda sa West Philippine Sea.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Sa gitna na rin ito ng pangamba ng mga mangingisda na pumulaot dahil sa presensya ng mga barko ng China.

Sa naturang aktibidad, pinasalamatan ni Año ang mga mangingisda sa kanilang dedikasyon sa trabaho at tiniyak na sa kabila ng mga banta sa karagatan ay kasama nila ang gobyerno.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kaugnay nito, sinabi naman ni NSC Assistant Director General Jonatahan Malaya, na dinamihan na ang mga rotational presence ng PCG at BFAR sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea sa kabila ng harassment ng mga barko ng China.