Solon: OVP Spending, pasok na bilang plunder

Pasok na sa “threshold” ng plunder o pandarambong ang findings ng irregularity at disallowance ng Commission on Audit sa paggastos ng confidential funds ng Office of the Vice President.

Sa ikalawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ukol sa isyu ng budget ng OVP, binigyang-diin ni Committee Chairman Joel Chua na mayroong sapat na rason para silipin ang confidential expenses dahil sa nakakaalarmang ulat ng “misuse” o maling paggastos ng napakalaking halaga.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Binanggit ni Chua ang Notice of Disallowance Number 2024-002-100 na inilabas ng COA para sa mahigit 73 million pesos o halos 60 percent ng 125 million pesos na confidential funds na inilaan sa OVP noong 2022.

Wala pang kalahating buwan ay naubos na umano ang 125 million pesos para isailalim sa surveillance ang isandaan at tatlumpu’t dalawang lugar.

Bukod dito, sa 500 million pesos na CIF noong 2023 ay sampung porsyento o 51 million pesos lamang ang pinahintulutan ng COA at ang 125 million pesos per quarter sa loob ng unang tatlong quarters ay kinuwestyon sa Audit Observation Memoranda.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Samantala, muli namang iginiit ni Chua na ang ginagawang pagdinig ay hindi isang uri ng political attack sa isang indibidwal.

Madali umanong maipaliwanag kung bakit inimbestigahan ng Kamara ang posibleng “gaps” sa regulasyon ng confidential funds lalo na kung susuriin ang mga ulat.