Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na pananagutin nila ang mga importers na nag abandona at nag overstay ng kanilang mga kargamento sa pantalan.
Maaalalang mahigit 800 mga containers na naglalaman ng bigas ang nasita dahil sa pag-overstay sa pantalan.
Unang sinabi ng DA na posibleng dahil sa murang storage charge kaya hindi agad pinu-pull out ng mga consignee ang kanilang kargamento.
Napag-alaman ding merong dalawang kompanya na consignee ng mga containers ang hindi na existing.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. posibleng i-blacklist nila ang mga importers na nag over stay at nag abandona sa kanilang mga containers.