Posibleng LPA, maaring magdala ng ulan sa E. Visayas, thunderstorm sa Luzon

Inaasahang magdudulot ng ulan at thunderstorms sa eastern Visayas ang cloud cluster sa silangang bahagi ng bansa, na maaring mabuo bilang low pressure area (LPA).

Sa forecast ng Pagasa, lumalabas ang posibleng isolated rains sa Luzon sa kabila na ang epekto ng southwest monsoon ay nananatiling minimal.

Giit ng Pagasa, ang mga pag-ulan ay dahil sa localized thunderstorms.

Sa ngayon, ang LPA sa silangan ng northern Luzon ay nalusaw na, na ibig sabihin karamihan sa mga lugar sa rehiyon ay makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon, na may malaking tsansa ng isolated rains