Duterte: DSWD may nakahandang tulong para sa anumang eventuality re: Taal eruption

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong naka-preposition ang Department of Social Welfare and Development na mga pagkain at iba pang relief aid para sa anumang eventuality na may kaugnayan sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Kaugnay nito, nagbiro si Duterte na maglalagay ng cap sa crater ng Taal Volcano matapos ang mabilis na eruption nito kahapon.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbiro si Duterte kaugnay sa pag-aalburoto ng naturang bulkan, dahil noong nakaraang taon, iminungkahi nito ang “primitive way” at gumawa umano ng offering para kumalma ang Bulkang Taal.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa kabila naman na may mga hakbang na ang gobyerno para matugunan ang restive Taal, minaliit ni Duterte ang sitwasyon at sinabing hindi ito grave concern sa ngayon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Matatandaan na noong Enero 2020 nang huling pumutok ang naturang bulkan at nagbuga ng abo.