Bong Go, sinabing hayaan ang mga Pilipino na humusga sa performance at legasiya ng pangulo, sa gitna ng papalapit na final SONA nito

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat ang mga Pilipino ang huhusga sa mga legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa harap ng papalapit na final State of the Nation Address (SONA) na nakatakda sa July 26.

Sa gitna nito, nagbahagi si Go ng ilang mga polisiya at accomplishments ng Duterte administration na nagpaganda sa efforts ng bansa, tungo sa pagbibigay ng mas komportableng buhay para sa lahat ng Pilipino.

Ilan sa mga ito ay ang laban ng korapsyon sa gobyerno, kriminalidad, at iligal na droga.

Giit ni Go, napakahirap na lubusang sugpuin ang iligal na droga pero talagang sinisikap umano ng pangulo ang lahat ng makakaya nito.

“Let the people be the judge. Tanungin n’yo ang inyong mga anak, yung mga OFWs (overseas Filipino workers), tanungin n’yo ang mga anak nila… Nakakauwi na ba sila nang ‘di nababastos? Kayo na po ang humusga sa ginawa ng Pangulo. Yung ginawa n’ya pong pagsa-sakripisyo, sinugal n’ya po ang kanyang buhay para sa ating mga anak, sa next generation po,” dagdag ni Go.

Binigyang diin naman ng senador na ipinatupad ng pangulo ang mahahalagang infrastructure projects sa bansa sa pamamagitan ng “Build, Build, Build” program.

Maliban dito, bumababa rin ang crime rate sa Pilipinas at gumaganda na ang traffic situation sa bansa.

“Kung mga proyekto naman po ang pag-uusapan, makikita n’yo naman po ang Build, Build Build, nandiyan po. Crime rate, bumaba, kaso ng mga durugista, mas kumonti, bagama’t marami ang namamatay dahil nakikipagpatayan sila. Eh, kapag pumasok kayo sa droga, alam n’yong ang isang paa n’yo, nasa hukay na. Pumasok kayo sa droga, sugal n’yo na po ‘yun,” saad ni.

“Sa accomplishment po, napakarami na po, (tulad sa) transportation. In fact, bukas po magbubukas ang bagong linya ng LRT d’yan sa Antipolo,” pagbabahagi pa nito.