PNP, sa mga nagka-casino: ‘Umuwi na ‘pag natalo!’

Pinaalalahanan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang mga mahihilig maglaro sa Casino na umuwi na lamang kapag natatalo at iwasan ang mangutang.

Ito’y upang hindi na matulad pa sa sinapit ng isang Chinese national na dinukot at ikinulong ng sarili nitong mga kababayan matapos na maibalik ang hiniram nitong pera.

Inalok umano siya ng dalawang suspek na kapwa rin chinese na humiram sa kanila ng p180,000 upang makabawi sa natalo na kinagat naman ng biktima subalit hindi din ito pinalad at muling natalo.

Dito na sinigil ng dalawang suspek ang biktima, subalit ang utang nito na p180,000 ay tumubo na ng 10 doble at sinisingil na siya ng p1.8 milyon ng mga ito.

Nang wala maibigay na collateral ang biktima sa inutang ay sapilitan itong dinala ng mga suspek sa isang hotel at pinatawagan ang kanyang misis upang maghanap ng pambayad sa kanyang inutang.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Director, PBGen. Cosme Abrenica, hindi na bago sa mg Casino ang pagpapautang sa mga natatalo sa sugal

Magugunitang nasagip kamakailan ng mga tauhan ng PNP-AKG ang biktima matapos nitong magawang makatawag ng biktima sa kaniyang mga kamag-anak para humingi ng pera kapalit ang kanilang kalayaan

Naaresto ang mga 2 suspek na pawang mga Chinese national din na nahaharap sa mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *