CLOA distribution sa R-12, pinangunahan ni Pres. Marcos

KORONADAL CITY – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng 4,351 land titles sa 4,271 agrarian reform beneficiaries o ARBs sa isang ceremonya sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center, Koronadal City.

Kasama sa aktibidad na ito si Department of Agrarian Reform o DAR Secretary Conrado Estrella III kung saan sabay sila ni President Marcos na namahagi ng Certificates of Land Ownership Award o CLOA na na-generate sa ilalim ng Department of Agrarian Reform’s o DARs regular Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP at electronic titles o e-titles sa ilalim Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT.

Base sa datos ng Department of Agriculture o DA, ang mga benepisyaryo ng land titles, na kinabibilangan ng 1,776 ARBs sa Cotabato Province, 1,666 sa South Cotabato, 593 sa Sarangani at 316 sa Sultan Kudarat kung saan ang mga titulong ito ay binubuo ng 5,918 hectares. Matapos ang 25 na taong paghihintay, natanggap na ng isang taga-South Cotabato ang kaniyang Certificates of Land Ownership Award o CLOA at electronic titles o e-titles sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT.

Kinilala ito kay Nelson Oloy, 53, nagmamay-ari ng 3 hectares, at residente ng Barangay Lower Maculan, Lake Sebu, South Catabato kung saan lubos ang kaniyang pasasalamat dahil opisyal na na magiging kaniyang ang lupa gayundin may dokumento na itong hawak na kanilang magagamit kasama ng kaniyang pamilya kung saan pinapasiguro nito na hanggang sa bagong henerasyon magagamit ng mga ito ang lupa ang hindi pagpaplanuhang ibenta.

Samantala, umasa naman si South Catabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. na mabibigyan ng karampatang kahalagahan ng mga benepisyaryo ang programang gaya nito na ibinigay ng gobyerno kung saan pinapasiguro nito na mas mapapaibayo pa ng lalawigan ang pagbibigay importansiya sa mga indibidwal na may malaking papel sa bawat lugar sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *