Pinoy na kabilang sa turbulence sa Singapore Airlines – nagtamo ng neck fracture at back injuries

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa ‘sensitibong kundisyon’ ang dalawa sa mga Pilipinong sakay ng eroplanong nakaranas ng matinding turbulence.

Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na ang Singapore-based overseas Filipino worker (OFW) ay nagkaroon ng neck fracture, at back injuries.

Nakatakda na umano ito para sa surgery ngayong Huwebes ng gabi.

Maliban dito, na-confine naman sa intensive care unit (ICU) ang isang 62-anyos na lalaki sa hospital sa Bangkok matapos maging unconscious.

Binabantayan pa umano ng mga doktor ang kondisyon nito para sa karagdagang evaluation at treatment.

Tiniyak naman ng Singapore Airline na sasagutin nito ang mga gastusin sa ospital ng mga 2 indibidwal.

Samantala, nasa stable namang kondisyon ang tatlo pang Pinoy na sakay rin ng eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *