SP Escudero- kinumpirmang ‘bypassed’ na ang ad interim appointment ni DMW Sec. Cacdac

Kinumpirma sa naganap na press conference ni Senate President Chiz Escudero na na-bypass na ang ad interim appointment ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Ito ay matapos ang ginawang pagtutol dito ni Representative Rodante Marcoleta at pag-anunsyo ng Kamara sa Commission on Appointment (CA) na ‘voting as one’ sila.

Alinsunod nito, sinabi ni Escudero na binigyang-daan na nila ang pagtutol na ito upang maipagpatuloy na ang kamakailang deliberasyon sa tatlumpu’t tatlong generals at senior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Maalala, ilan sa mga pinuna ng mga oppositors laban kay Cacdac ay ang ‘di umano’y madalas niyang media exposure.

Kung saan depensa naman niya, mahalagang ipaalam sa publiko ang mga ginagawang aksyon ng DMW na may kinalaman sa sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *