Simbahan – dismayado sa paglusot ng Divorce sa Kamara

Hindi nagustuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-apruba ng Kamara na pahintulutan na ang divorce bill sa bansa.

Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano, ‘betrayal’ ito sa constitutional mandate na magsagawa ng kasal at pagbuo ng pamilya.

Dagdag pa nito, ang divorce at ‘anti-family, anti-marriage’ at ‘anti-children.’

Sinabi ni Fr. Secillano na ang ginawang ito ng mga kongresista ay hindi na umano nakagugulat.

Mababatid na maliban sa Vatican, Pilipinas na lang ang nag-iisang bansa sa mundo na hindi pa nagsasalegal ng diborsyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *