Pimentel – iginiit na kailangang magpasa ng batas ang Pangulo hinggil sa ‘Bagong Pilipinas Hymn’

Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi sapat ang paglalabas lang ng Executive Order (EO) hinggil sa pagsama sa recital ng Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa mga lingguhang flag ceremonies.

Alinsunod nito, iminugkahi niya sa Pangulo ang pagsusumite ng batas na naglalaman ng ideyang ito upang maamyendahan ang kasalukuyang batas na ipinapatupad para sa National Anthem, Pledge and Flag Raising ceremonies.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Ito ay bagay naman din na sinang-ayunan ni Senate President Chiz Escudero dahil kailangan din umano talagang magkaroon ng amyenda sa Flag at Heraldic Code upang pormal na maisama ang ‘Bagong Pilipinas’ sa mga seremonya.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maalala, ang ‘Bagong Pilipinas’ ang siyang tumatayong brand of governance ng kasalukuyang administrasyon na nakapokus sa pagpapatupad ng inclusive plan para sa economic at social transformation.