Napigilan ng barangay tanod at mga security guard ang pagpasok ng ilang lalaki na may dalang baril at nagpakilalang pulis sa isang subdibisyon sa Parañaque.
Ayon sa duty security officer ng village, nagbabantay siya sa Gate 1 ng subdibisyon nang lapitan siya ng isang tanod at sinabihan na harangin ang paparating na sasakyan na may sakay na 3 lalaki dahil may mga dala silang baril.
Nagpaputok umano ng warning shot ang tanod para dumapa ang mga lalaki.
Nang dumapa ang mga ito ay nagpakilala silang mga pulis ng Quezon City at mga dala silang baril dahil may police operation umano silang gagawin sa lugar.
Nasa kustodiya na ng Parañaque Police ang mga lalaki.