Pilipinas, nananatiling neutral at walang kinakampihang bansa

Nananatiling neutral ang Pilipinas pagdating sa foreign policy at wala itong kinakampihang bansa.

Sinabi ito ni Pangulong Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa chiefs of mission at mga ambassador na kanyang pinulong sa Malacang.

Ayon sa pangulo, isang panig lang ang kanyang kinakampihan, ito ang Pilipinas at hindi ang Estados Unidos, Beijing at Moscow.

Binigyan-diin din niyang hindi siya naniniwala sa bipolar world o pagkukumpetisyon ng mga malalaking bansa.

Samantala, sa nasabing pulong inatasan niya ang mga ambassador na maghanap ng mga bansa na maaaring maging partner ng Pilipinas sa kalakalan  at defense requirements.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *