Gaganapin sa Pilipinas ang tatlong araw na Ministerial Level Conference hinggil sa Kababaihan, Kayapaan at Seguridad para sa buong mundo.
Isasagawa ito sa darating na October 28 hanggang 30 ngayong taon sa PICC, Pasay city na tatawaging International Conference on Women, Peace and Security Philippines 2024.
Magsisilbing platform ang naturang conference para tugunan ang pagpapatupad ng United Nations Security Council resolution 1325 na nagsusulong na maibahagi ang mga karanasan, expertise at best practices sa conflict prevention, peace building, protection of women’s rights sa panahon at pagkatapos ng conflicts o giyera, at iba pang pangangailangan sa panahon ng repatriation at resettlement .
Sa pagtitipong ito inaasahang magsasama-sama ang mga kababaihan na nagsisilbing peacemakers at mga stakeholder mula sa Asya, Middle East, Africa at iba pang rehiyon.
Layunin ng kumperensiya na palakasin ang nagkakaisang layunin ng kababaihan na maging instrumento para sa pagkamit ng kapayapaan at seguridad.