PHIVOLCS – muling nakapagtala ng phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal

Muling nakapagtala ng phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal.

Sa videong kuha ng Agoncillo Overcation Station (VTAG) ng PHIVOLCS – makikita ang panibagong phreatomagmatic eruption sa Bulkan na nagtagal ng apat na minuto.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nangyari ito kaninang 11:32am sa main created ng Taal.

Nagbuga ito ng ‘short black jetted plume’ na sinundan ng isang steam-rich plume na umabot sa 2,000 metro ang taas.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Bago ito, naitala ang limang phreatic events ngayong araw.

Nakita rin ang mga bakas ng ahes sa bahagi ng Agoncillo, Batangas.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 1 ang Bulkan.