Dating Sen. De Lima, muling tatakbo sa paparating na eleksyon

Naghain ngayong araw ng Certificate of nomination and certificate of Acceptance of Nomination si dating senadora Leila de Lima kasama sina Teddy Baguilat at Lorenzo Tañada III.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon kay De Lima, nakikita niya ang pagtakbong ito bilang parte ng muling pag-rebuild sa kanyang buhay matapos niyang makulong noong 2017.

Dagdag pa niya, isa rin umano itong pagkakataon upang ma-fulfill ang dati niyang tungkulin bilang senador na inalis sa kanya.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Samantala, positibo rin si De Lima na mas may tyansa siyang manalo sa Kamara kaysa sa pagtakbo sa Senado.