Philippine Coast Guard K9 Force personnel – patay sa leptospirosis

Nakikidalamhati ang buong Philippine Coast Guard K9 Force sa pagpanaw ng isa nilang tauhan dahil sa leptospirosis.

Ayon sa PCG, isang tapat na miyembro ng Coast Guard si Apprentice Seaman Alexander John Munio.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nanatili ang kanyang mga labi sa HCGK9 ng tatlong araw bago ito ibinyahe pabalik sa Zamboanga.

Ang pagbabalik na ito ay simbolo ng pagkakaisa at suporta ng PCG sa pamilya at mga mahal sa buhay ni ASN Munio.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nagpapaabot din ng taos-pusong pakikiramay ang PCG sa pamilya, kaibigan, at mga kasama ni ASN Munio.

Kinikilala din ng PCG ang kanyang sakripisyo bilang inspirasyon sa mga kasamahan at susunod pang mga henerasyon.