Sikyong nagselos, hinabol at tinangkang saksakin ang katrabaho ng kanyang live-in partner sa BGC

Viral ngayon ang isang video tampok ang security guard na hinahabol ang isang call center agent habang may dalang patalim sa Bonifacio Global City.

Susunduin sana ng suspek ang kanyang partner na nagtatrabaho sa isang BPO company, nang biglang nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil sa selos sa katrabaho.

Makikita sa video na hinabol pa nito ang biktima hanggang sa mapigilan ng ibang security guard.

Ayon sa tagapagsalita ng Taguig City Police na si Maj. Cherry Agtarap, na-inquest na ang suspek at nasampahan na ng kasong attempted homicide.