Karate instructor, arestado sa panloloob ng isang bahay sa Parañaque

Huli sa ikinasang hot pursuit operation ng Parañaque PNP ang isang karate instructor matapos looban ang isang bahay sa Barangay Tambo sa Parañaque.

Matapos makatanggap ng tawag sa 911, natunton ng mga rumespondeng pulis ang suspek gamit ang GPS mula sa ninakaw na cellphone ng biktima.

Nahuli ang karate instructor na si alyas “Davy” sa Sta. Cruz, Maynila.

Kulong ang suspek at kakasuhan ng robbery, illegal possession of firearms, at iba pang kaugnay na kaso.