PH, naka-‘wait and watch’ mode bago konsiderahin ang paghihigpit sa mga Chinese travelers

Naka-‘wait and watch’ umano ang Pilipinas sa kalagayan ng COVID-19 surge sa China bago nito ikosidera ang paghihigpit sa travel restrictions para sa mga China travelers.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, pagma-manage sa COVID-19 ang problema sa China ngayon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag pa niya, hindi naman immediate na makabibiyahe ang mga Chinese nationals kaya sa ngayon, ang magagawa muna ng bansa ay mag-intay at mag-obserba.

Paniniguro ni Marcos na hindi magpalipad ang naturang bansa ng mga taong nagpositibo sa virus.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Matatandaang kamakailan ay naiulat ang pagkakaroon ng COVID-19 surge sa China, dahilan upang magsara ng gateways ang ilang bansa mula sa mga pasahero ng naturang bansa. // SMM