Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa 4.2% ayon sa PSA

Bumaba pa sa 4.2% ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa, batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Nobyembre, 2022.

Katumbas ito ng 2.18 milyon na mga Pilipinong walang trabaho na mas mababa kumpara sa 4.5% o 2.24 milyon noong Oktubre ng kaparehong taon.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ito ang pinakamababang unemployment rate na naitala mula Abril ng 2005.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa batay sa kanilang datus lumalabas na ang employment rate noong Nobyembre para sa mga kalalakihan ay naitala sa 95.7 percent mas mababa kumpara sa naitala para sa mga kababaihan na nasa 95.9 percent.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Samantala, bumaba sa 62.5 percent ang mga nagtrabaho ng lagpas sa 40 hours noong Nobyembre mula sa dating 65.2 percent noong Oktubre 2022.