“Pedal para ki Jesse” gagawin kaugnay ng ika- 9 taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating DILG Sec. Robredo

NAGA CITY- Muling sasariwaan ng mga Nagueño at marami pang iba ang mga naging ambang ni dating Naga City Mayor at Department of Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo sa ika-9 na taong anibersaryo ng pagkamatay nito sa Agosto 18, 2021.

Ang dating opisyal ay nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa karagatang sakop ng Masbate Province noong 2012.

Kaugnay nito magkakaroon ng “Pedal para Ki Jesse” ,  inaasahang 300-400 na mga bikers ang lalahok.  Daraanan ang mga lugar kung saan dating nagtrabaho o nag opisina ang opisyal pati sa mga lugar na malapit sa puso ng yumaong kalihim hanggang sa libingan nito.

Bukas para sa lahat ang libreng registration sa City Environment and Natural Office (CENRO) , tinitiyak ng organizers na masusunod ang health protocols.

Paliwanag ni City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO Chief Allen Reondanga, ang aktibidad ay pag-alala sa simbolo ng bisikleta  kung saan daan ito upang mas maabot ng dating alklade ang malalayong komunidad, direktang mapakinggan at makita ang pangangailangan ng mga residente.

Ang dating kalihim ng DILG ay kilala sa “tsinelas leadership”, nagmarka rin sa puso ang mga kataga nito sa isang talumpati: “Hindi po ibig sabihin na ang matino ay mahusay. Hindi po ibig sabihin na ang mahusay ay matino. Ang atin pong sukat: matino at mahusay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *